THEORY: Home

Ever since I entered St. Scho, all I hear is "advocacy" and honestly, I wasn't really sure if I understood what that meant when I first encountered it. Now that a few years have passed, I think I finally get the idea of what an advocay is, its something you stand for, believe in and willing to fight for.  I'm even happier now that not only have I found my definition of advocacy, I found my advocacy.

Everyday I see people in the streets - rain or shine. Sometimes you see them under the heat of the sun walking with no slippers in the terribly hot road or under the cold unforgiving rain with nothing but a grabage bag on their heads. Everytime I pass by, my heart cries that they don't have a place to go home to at night. Its sad that they don't have a place to run to when the world gets too scary too handle. Its sad that they don't have a wall to shield them from the humiliation that the eyes of the passers by bring upon them. That is why I believe my advocacy is building homes for the homeless.

I have yet to build a home and my short stint with Habitat for Humanity is hardly any help in pushing my advocacy forward. I have yet to start working on this advocacy but I'm happy that I know where my heart is and where I want the rest of me to be.

STORY: Notice

Of course, the artsy person that I am had to let you guys know about my temporary break in style. :) Hope to start blogging again, soon! Lots of photos waiting to be blogged about.

'til the next story and theory, Andy. ;)

STORY: My First Tagalog Short Story 12


Ang kwentong nabasa ninyo ay hindi kabuuang katotohanan ngunit ang mga aral na napulot ko sa totoong buhay ko ang naging inspirasyon sa maikling kwento na ginawa ko para sa contest. Tunay na kaibigan si Joanna, pangarap ko talaga maging manunulat, nakakasalubong ko talaga ang mga taong katulad ng magkasintahan sa restawran, mga estudyanteng kunyaring ayaw kumain at mga mapag-isa at misteryosong mga matatanda. Ang punto ko ay simple lamang. Ang akala kong blanking buhay ay hindi pala blanko noong tinignan ko ito muli. Napakakulay ng buhay para maging blanko at araw araw mayroong pagkukuhaan ng inspirasyon. Kung hindi niyo na itatanong, nanalo ako sa contest gamit ang maikling kwento kakabasa lamang ninyo. At kung ang katapusan na ito ay parte pa ng maikling kwento o tunay na nangyari ay pababayaan ko na kayong maghusga… para hindi din maging blanko ang araw niyo.

            At kung hindi niyo na rin itatanong, masaya kong pinamagatan ang maikling kwento ko na sa tingin ko ay nahulaan na ninyo kung ano…
“Blanko” sa panunulat ni Ana De Vera.

STORY: My First Tagalog Short Story 11



Ang kwentong binasa ninyo ay ang nangyari sa akin sa loob ng isang linggo na binago ko ayon sa hiningi ng contest. Hindi kami kumain sa restawran na may unlimited rice ni Joanna noong Lunes, sa halip ay kumain kami ng sandwich na binaon ko. Wala kaming nakitang magkasintahan, mga estudyante at walang estranghero ang lumapit sa akin. Sa halip ang nakita ko ay ang mga manong at manang na naglilinis sa canteen na kinakainan namin ng aming baon habang tinatapos ang aming proyekto. Hindi nakabasa si Joanna ng contest sa dyaryo sa halip ay nalaman ko ang tungkol sa contest mula sa aking propesor sa Literatura. Walang pusang naglalakad sa loob ng campus ng school namin at lalo ng hindi ako gumamit ng Facebook sa mga oras na may kailangan tapusin. Pero mayroong naglalakad na guro na mukhang pusa gawa ng kanyang make-up at nadadaanan ko ang Facebook kapag wala kaming pinupuntahan ni Joanna. Sa medaling salita, nakakuha ako ng inspirasyon sa buhay ko na akala ko ay blanko. Hanap ako ng hanap ng inspirasyon na kung tutuusin ay makukuha naman sa pangaraw-araw na buhay. Hindi ko kinailangan ng mga voice-over ng malalalim na salita tulad ng nasa pelikula, ang kinailangan ko lang ay ang pagpapahalaga sa sarili kong buhay.

Read the ending here

STORY: My First Tagalog Short Story 10



Lunes ng umaga, kabadong kabado na ako. Naiprint ko na ang huling pahina ng aking maikling kwento ngunit wala pa akong titulo para dito. Sinamahan ako ni Joanna sa silid na gaganapan ng contest at nasa dalawampu hanggang tatlumpu din ang mga kalahok na dumating. Pinalabas na ang mga hindi kalahok at sa loob ng 5 minuto nagsimula na ang contest. Binigyan kami ng 5 salita at ideya na kailangan maisingit sa mga kwento namin at laking tuwa ko ng malaman ko ang mga ito. Ang tatlong salita na kailangan namin maisingit ay pusa, kaibigan at unlimited. Ang dalawang ideya na kailangan namin maisingit sa kwento naman ay ang tungkol sa pag-uusap ng isang estranghero sa bida, at ang paggamit ng Facebook. Sa unang tingin napakahirap naman pagsamahin ng mga magkakalayong ideya na iyon, ngunit dahil nagmula sa blanko ang maikling kwento ko, hindi ako nahihirapan isingit ito. Dahil doon, hindi ko naubos ang isang oras na ibinigay sa amin dahil madali ko naisali ang mga binigay nila.
           
Ang silid

STORY: My First Tagalog Short Story 9

Photo from Google

Linggo na ng hapon pagkatapos ko magtanghalian. Nakatitig ako sa screen ng laptop ko at tila blanko pa din ito. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Bukas na ang contest at wala pa din akong nasisimulan. Tinawagan ko si Joanna sa bahay nila pero umalis pala silang mag-anak. Umidlip ako sa sandali at baka sa panaginip ako makahanap ng inspirasyon. Nagising ako ng alas tres ng hapon at nagsimba kasama ng kapatid ko. Maaga kami dumating kaya nakapagdasal muna ako bago ang misa. Naluhod ako habang ang nakakababata kong kapatid ay naglaro muna sa patio ng simbahan. Nagdasal ako ng taimtim sa Diyos na bigyan niya ako ng inspirasyon. Hiningi ko na bigyan niya ako ng isusulat para sa contest ko bukas. Todo pikit pa ako ng mata kaya sumakit ito matapos ang ilang minuto kaya minabuti ko na lang na buksan ito at tignan ang altar. Napansin ko ang mga detalye ng gintong altar. Alam kong ginto lamang ang pintura nito ngunit pag natatapatan ito ng liwanag, para na rin siyang kumikinang. Di ko nanaman namalayan na unti unti ng napuno ang simbahan at tumunog na ang kampana bilang paghudyat ng pagsimula ng misa. Noong pauwi na kami ng kapatid ko, sinabi ko sa sarili ko, “Bahala na si Batman.” At dahil doon, pagkatapos ko maghapunan, nahiga na lang ako sa kama ko at tumititig sa kisame. Blanko ang nakita ko gawa ng kadiliman. Inisip ko kung bakit pa ba ako sumali sa contest na isang oras lamang ang binibigay para magsulat gayong isang linggo na ako nagiisip at wala pa rin nangyayari. Inalala ko ang buong linggo at inalala kung paano ba ako nakarating sa puntong ito. Napaupo ako at napangiti. Binuksan ko ang laptop ko at nagtype hanggang maghating gabi. Natulog ako… hindi na blanko.

Read Part 10 here

STORY: My First Tagalog Short Story 8

        
Kahapon, Sabado nararamdaman ko na ang kaba. Dalawang araw na lang at contest na ngunit wala pa rin akong kwento. Sinabi ko sa sarili ko gigising ako ng maaga para marami akong oras upang mag-isip ngunit, katulad ng aking hinala, nagising ako ng tanghali na. Isang linggo ng pagpasok ng alas-syete ng umaga ang nakalipas, masisi mo ba naman ako? Lalo ako nataranta dahil kaunti na lamang ang oras para maisulat ko ang aking maikling kwento. Nag-internet ako sandal at baka may makita akong inspirasyon doon. Napadpad lang ako sa facebook at naki-usisa sa buhay buhay ng aking mga kaklase at kaibigan.



From Google
 Mayroon akong nakitang nakipaghiwalay na sa kanyang nobyo dahil mula sa “in a relationship,” ay “single” na ang kanyang status ngayon. Mayroon naming kabaligtaran dahil mula sa “single” ay “in a relationship” na ang kanyang status. Marami din naman akong nabasang quote hango sa kung sinu-sinong mga sikat na tao na ginagawang status ng mga kaklase kong wala mai-status na iba sa mga panahong iyon. Napatingin naman ako sa pictures ng kaklase ko sa Tagaytay kasama ang kanyang mga barkada. Natatawa ako habang iniisa-isa ko ang mga kuha hindi dahil mayroong nakakatawa sa litrato sa halip ay dahil ang pinarating niya sa aming propesor ay absent daw siya kahapon gawa ng sakit niya. Napakasaya naman ng sakit niya. Nakita ko naman ang litrato ng kaklase ko noong high school na mukha ng anime character. Bukod sa nagpakulay ng buhok ng nakakabulag na blonde na may kaunting brown at red sa may anit, ay nagsusuot pa ito ng salamin na abot hanggang bibig ang frame sa laki. Idagdag mo pa ang pagsuot niya ng necktie ang mini skirts with matching knee-high socks. Ang laki na ng pinagkaiba niya sa dating tahimik at mahiyaing si Riza. Mabuti nga at naalala ko pa ang pangalan niya dahil noong kaklase ko pa siya, hindi namin namamalayan na nawawala na pala siya sa silid. Napansin kong madami na pala ako napuntahang iba’t ibang profile kaya piƱata ko na ang laptop ko. Laking gulat ko ng nakita ko ang orasan at makitang ala-sais na pala ng gabi! Tinulungan ko na ang nanay ko maghanda para sa hapunan. Natapos ang hapunan at paghugas ng pinggan ng alas-otso na ng gabi. Tinulungan ko pa ang aking kapatid sa kanyang proyekto sa Science na natapos na ng alas-nuebe y medya ng gabi. Sa mAdaling salita, natapos ang araw na blanko nanaman ako.

STORY: My First Tagalog Short Story 7

Noong Biyernes, nagsimula na ako maghanap ng paksa na pwedeng isulat. Pinilit kong maging deep tulad ng mga manunulat sa mga pelikula na uupo sa gitna ng park at titig sa kawalan. Sa mga pelikula, magkakaroon ng voice-over ng mga bigating mga salita tungkol sa kanilang mga nakita na kung titignan mo naman ay batang nadapa, asong slow motion na naglalakad at mga dahon na nahuhulog sa maduming kalye lamang. Sa kasamaang palad, mayroong akong pasok sa araw na ito kaya minabuti ko na lang magmunimuni sa canteen ng paaralan habang lunch break. Mayroon din namang mga dahon na nahuhulog sa semento, may mga batang nagtatakbuhan na iniimagine kong slow motion na naglalakad para mas dramatic at mayroong pusa sa halip na aso na naglalakad sa campus. Kahit anong pilit ko, wala talagang voice-over ng mga bigating salita. Ang meron sound effect ng mga kuliglig. Natapos ang lunch break at bumalik ako sa klase ng walang napala. Blanko pa din ako, blanko.

Being DEEP.

STORY: My First Tagalog Short Story 6



Noong Huwebes, tinulungan ako ni Joanna na ayusin lahat ng requirements para sa contest. Kailangan magpasa ng application form, certificate na enrolled ako sa isang kolehiyo sa Metro Manila, at written consent ng paaralan na pinapayagan akong sumali sa nasabing contest. Inalam din namin ang kabuuang mechanics ng contest. Pinuntahan namin yung website na nakalagay sa patalastas sa dyaryo upang makita ang kabuuang detalye. Nalaman namin na kailangan ng mga manlalahok na gumawa ng maikling kwento na maaaring gawin bago pa ang araw ng contest. Walang temang ibinigay, malaya ang manunulat magsulat tungkol sa anumang paksa. Ngunit, mayroong mga salita at ideya na ibibigay sa mismong araw ng contest na kailangan maisama sa kwento. Kailangan ng mabilisang pag-iisip dahil magaganap ang contest sa loob lamang ng isang oras. Natakot ako bigla at nakita ito ni Joanna sa aking reaksyon pagkabasa ko ng mechanics. Sinabi niya sa akin, “Natakot ka, noh?” Tumango ako dahil alam kong hindi ko kaya gumawa ng may hinahabol na oras. “Hindi madali abutin ang mga pangarap, noh. Kung madali, di lahat tayo ngayon si
Selena Gomez na.” Natawa ako sa sinabi niya pero hindi pa din nawala ang pangamba ko na baka mapahiya lang ako sa pagpasok sa contest. Patuloy akong kinumbinsi ni Joanna na sumali at nakumbinsi naman nya ako. Sa lahat naman ng mga kaibigan na meron, napunta pa sa akin yung ubod ng kulit… at nagpapasalamat ako doon.

STORY: My First Tagalog Short Story 5

At the Library
Noong Miyerkules, nasa library kami ni Joanna na naghahanap ng mga libro para masagutan ang aming takda sa Rizal. Natutuwa ako sa klaseng iyon dahil kahit ilang beses pa namin pag-aralan ang buhay ni Rizal at ang kanyang mga naisulat, laging may bago. Noong high school, dalawang taon kong pinagdaanan ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at ngayong kolehiyo, binabalikan ko iyon. Bagamat iisa ang kwentong inaaral ko noon at ngayon, magkaiba na ang pagkakaintindi ko. Marahil dahil mas malawak na ang aking kaalaman, marahil dahil magkaiba ang pagkakaintindi ng guro ko noon at ngayon o marahil dahil sadyang ito lang ang hiwaga ng pagsulat. Ito ang dahilan kung bakit mahal ko ang pagsusulat. Walang naluluma, walang panget, walang iisang interpretasyon. Ang naisulat noon ay maaring iba na ang kahulugan sa kasalukuyan. Ang panget na kwento para sa isa ay maaaring maganda para sa iba. Ang malungkot na pagtatapos para isa ay maaaring isang masayang wakas para sa iba. Habang binabalikan ko ang mga dahilan kung bakit nga ba pinapangarap ko maging manunulat, napagtanto ko na ito na ang panahon na maging katotohanan na iyon. Kinalabit ko si Joanna at napangiti siya. Nagkaintindihan na kami. Magsusulat na ako.

STORY: My First Tagalog Short Story 4

              Noong Martes, sinalubong ako ni Joanna noong umaga ng kwento.  Patakbo niya akong nilapitan pagpasok ko ng gate ng paaralan. Mayroon kasi siyang nabasa sa dyaryo kahapon na contest. Dahil hindi ako makausap ng matino kahapon gawa ng manong na lumapit sakin, ngayon lang nya ako sinabihan tungkol sa nabasa niya. Habang tulala kasi ako sa restawran kahapon, binabasa ni Joanna yung dyaryong naiwan nung manong sa lamesa na inupuan namin. Nakita niya na mayroong short story writing contest na bukas sa lahat ng estudyante na nag-aaral sa isang kolehiyo sa Metro Manila. Alam ni Joanna na gusto ko maging manunulat kaya bilang kaibigan, lagi niya akong sinsabihan ng mga contest na ganito. Sa ganitong paraan kami naging matalik na magkaibigan. Noong unang araw kasi ng pagpasok namin sa kolehiyo, nagpakilala kami sa harap ng klase. Tinanong ng propesor namin sa Literatura noon kung ano ang hilig namin gawin upang doon kami kukuha ng inspirasyon sa pagsulat. Ito ay para sa takda namin na tatlong taon na ang nakakalipas. Nabanggit ni Joanna noon na mahilig siya sa pagsayaw kaya nga ang una niyang pinasang gawa ay tungkol sa kanyang pagmamahal dito. Noong nalaman kong may audition para sa dance group ng kolehiyo, isinulat ko ang pangalan niya sa listahan bagamat hindi pa naman kami tuluyang magkakilala. Limited kasi ang slots kaya minabuti ko ng ireserba ang isang slot para sa kanya. Hindi kami magkakaklase sa lahat ng asignatura kaya muli kami nagkita sa klase namin sa Literatura. Nilapitan niya ako ng blanko ang mukha. Natakot ako kasi baka nagalit siya sa pagpirma ko ng pangalan nya ng walang pahintulot. Nagulat ako nang nilapitan nya ako at nagpasalamat sa akin. Natanggap siya sa dance group at hanggang ngayon, lagi ko siya sinasabihan kapag mayroong mga dance contests na pwede niya salihan.


Photo from Google
 Ganito rin si Joanna sa akin ang pinagkaiba lang, hindi ako sumasali. Pakiramdam ko kasi hindi ako mananalo, o kaya hindi ko matatapos sa oras. Bukod kasi sa mabagal ako magsulat, kailangan ko lagi ng inspirasyon na sa kasamaang palad ay hindi ko naman maiidikta kung kailan darating. Ang pangamba ko ay baka sa araw ng contest ay mablanko lamang ako at mapahiya. Ngunit sa pagkakataong ito, kinulit ako ng husto ni Joanna. Sabi niya sa akin, “Lagi mo sinasabing gusto mo maging manunulat. Pwes, kailangan mo magsulat.” Tama nga naman siya. Kailangan ko magsulat.

STORY: My First Tagalog Short Story 3

                Napadpad naman ang aming atensyon sa isang grupo ng mga estudyante na kapareho namin ng paaralan. Nakilala namin sila gawa ng uniporme. Mayroong silang kasama na tatlong lalaki na galing sa ibang paaralan. Malalaki ang katawan ng mga lalaking eto ngunit walang kahit isa sa kanila ang humingi ng extra rice at walang kahit isa sa kanila ang nakaubos ng kanilang ulam sa plato. Mas matindi naman ang mga babaeng ka-eskwelahan namin. Lamang pa yung inom nila kaysa sa sinubo nila. Napansin namin iyon nung nakailang balik na yung waiter sa pagrefill ng baso nila ng unlimited iced tea. Dahil mukhang wala naman magpapakuha ng kanin sa mga estudyanteng iyon, lumipat kami ni Joanna ng table na huhulaan. Napansin namin ang isang lalaki na mag-isang nagbabasa ng dyaryo sa isang lamesa na makikitaan ng kanyang plato na ulam na lang ang laman.


Photo from Google

Nairita kami kasi nagawa pa niyang magbasa ng dyaryo kaysa tapusin muna ang pagkain gayong madami pa ang nag-aantay na makakakain din. Hula ni Joanna na kukuha pa yung lalaki ng kanin, ang hula ko at hiling ko na din ay wag na siya humingi para makaupo na kami. Pero laking irita ko ng sumenyas yung lalaki sa waiter. “Nako naman si manong, ayaw talaga paawat!” sabi ko kay Joanna. Gutom na kasi ako tapos wala pa din sa mga tao sa restawran ang may planong tumayo. Napatingin uli ako doon sa manong dahil mukhang naririnig niya ako. Hindi pala siya nagpakuha ng kanin, pinabalot niya yung isa sa dalawang manok na kanyang inorder. Pagkakuha niya sa chicken na binalot sa dahon at nilagay sa plastic, tumayo siya at naglakad papuntang exit.
Photo from Flckr

Tumayo na din kami ni Joanna dahil kami na ang uupo sa tinayuan niya. Nagulat ako noong nilapitan ako ng manong at sinabihan ng, “Alam mo yung bata sa labas ng restawran na ito, araw-araw nilalaro yung nilalaro ninyo ng kaibigan mo. Pero hindi nila hinuhulaan kung sino ang hihingi uli ng kanin, hinuhulaan nila kung ilan sa mga manok na hindi nauubos ang pwede pa nilang makain.” Natahimik ako sa sinabi ng manong na iyon. Una, natakot ako dahil nilapitan ako ng hindi ko kakilala at napagsabihan pa. Pangalawa, nahiya ako bigla dahil baka may nakarinig noong sinabi sa akin noong manong. Nauna na kasi si Joanna sa lamesa kaya ako na lang ang naabutan ng manong na pagsabihan. Pangatlo, nagalit ako dahil anong karapatan niyang pagalitan ako sa harap ng ibang tao. Pagkatapos ako sabihan ng manong, bago pa ko nakasagot sa sinabi nya, lumabas na siya ng restawran at iniabot ang binalot na manok sa batang paslit sa labas. Hindi ako nakahingi ng extra rice noong araw na iyon.

STORY: My First Tagalog Short Story 2

                 Noong nakaraang Lunes, magkasama kaming kumain ni Joanna sa isang retawran na, katulad na lang ata ng lahat ng ibang restawran, mayroong unlimited rice na offer. Nakakatawa nga dahil maraming kumakain sa mga restawran na ito at bumibili ng unlimited rice meal ngunit isang rice lang naman din ang kinakain. Akala ko noong una tanga yung mga may-ari ng mga restawran na nagpapamigay ng libreng kanin na sana ay napagkakakitaan nila ngunit mas tanga pala ang mga kumakain. Kapag gutom talaga ang tao, hindi na gumagana ang utak. Sa kasamaang palad, kinagat din naman naming dalawa ang kalokohang unlimited rice offer. Nakakatakot pala maging gutom, nakakain mo pati mga sinasabi mo.

Ang unlimited rice restaurant

Buong umaga kasi kami nalunod sa pagsusulit at group work na hindi lang pinasakit ang ulo namin, ay ginutom pa kami. Dahil nga mayroong unlimited rice ang kinakainan namin, madaming tao. Pinagpilitan na lang namin ni Joanna kumain doon dahil ang susunod na kainan na may unlimited rice ay malayo-layo pa. Minabuti namin na mag-antay na lang kami na mayroong tumayo sa kanilang lamesa para kami naman ang uupo. Naglaro muna kami ni Joanna sa may waiting area upang hindi mapansin ang gutom. Pinapanood namin yung mga kumakain at hinuhulaan namin kung sino sa mga ito ang hihingi uli ng rice sa waiter na mayroong bitbit na cooler na gawa sa styrofoam pero kanin naman ang laman. Napunta ang tingin namin sa isang magkasintahan na nakaupo sa may bandang salamin na parte ng restawran. Gawa kasi sa salamin ang isang buong pader ng lugar kaya nakikita ng mga tao sa labas ang nasa loob at nakikita ng mga tao sa loob ang nasa labas. Marahil ginawa ito para makatipid sa ilaw kapag umaga gawa ng liwanag na pumapasok sa lugar. Nakakailang nga lang kumain ng mayroong isang sambayanan na nakakakita sa iyo, lalo na’t humihingi ka pa ng extra rice. Ngunit hinulaan pa din namin yung magkasintahang iyon. Malay mo okay lang sa kanila na kita sila ng lahat ng dumadaan. Mataba yung babae at payat naman yung lalaki. Ang hula ko ay yung babae ang hihingi ng kanin at sabi naman ni Joanna yung lalaki daw. Noong nagsenyas na yung babae sa waiter, sabi ko sa sarili ko, “Tama ako!” ngunit laking gulat ko ng dalawang rice pa ang pinatakal nung payat na lalaki sa kanyang plato. Nasabihan pa tuloy ako ni Joanna ng “Yan kasi, don’t judge a book by its cover.” Sabi ko swinerte lang sya at baka kasi kanina pa nakakuha yung babae.

THEORY: "Final"

Its amazing how one word, a short one even, can change everything. I can say, "She got that pizza slice" but when I add "final" to it, it would sound like this, "She got the final pizza slice" and it would solicit a totally different reaction! And this works for any sentence (I think).

Some examples (Just in case you still do not get my point):

I'm reading this chapter for Literature class
(emotion; bored, can't wait to get it over with)
--- I'm reading this final chapter for Literature class
(emotion: excited, motivated)

I was able to buy a ticket to [insert your favorite artist here]'s concert! 
(emotion: happy, content)
--- I was able to buy the final ticket to [insert your favorite artist here]'s concert!
(emotion: extra happy with a dash of pride. BONUS: Bragging rights!)

Now to get to the point of this post...

I finished the Audio Visual Presentation of the Student Council
(emotion: accomplished, relieved)
--- I finished the final Audio Visual Presentation of the Student Council
(emotion: nostalgic)

Yes, the FINAL AVP has come and I am torn with how I should react to it. Happy that finally my baby Proscilla (laptop) can rest, that my hard drive can get tons of memory back and that I can have loads of time to do other things or sad that something beautiful is about to end?

As stressful as the task of creating all media-related stuff for the Student Council has been, the task gave me purpose and made me feel significant. I was the go-to person for something and that made my place in the SC special. We're 10 in the group and its nice to know that when they mention your name, they have a title for you (just like in Pinoy Big Brother but less baduy and rhyme-y) that makes you distinct from the rest. Now that my term is almost over, I can feel my special place fading. And we all know how that feels.

Suddenly I don't fell so torn after all.

STORY: My First Tagalog Short Story 1

For Filipino class, we were required to write our own short story (among many others in the list of to do's which includes a poem, a slogan, a manifesto, etc.) and I felt the weight of the activity as soon as my professor announced it. I am no short story writer. I do love to write but like all writers (I presume), we have our turfs and story writing is definitely not mine.


I'm happy to share though that my first attempt isn't a total fail, or isn't a fail at all! I actually liked the story I came up with (which is loosely based on my life) however, the ending is a complete disaster! Since deadline was nearing I had no choice but to abruptly conclude my developing story.


Anyway, I'll just let you decide. Here is PART 1.


           -----


Blanko. Kanina ko pa tinititigan ang screen ng aking laptop na hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago. Marahil ay dahil 5 minuto pa lang naman ang nakakalipas o marahil ay wala lang talaga akong mai-type. Linggo ngayon at kakatapos lamang ng pamilya kong magtanghalian. Sa buong linggo, sa araw na ito lamang kami nagkakasalo dahil marami kaming kanya-kanyang gawain kapag ibang araw. Pagkatapos kong kumain at hugasan ang pinggan, umakyat ako agad upang simulan ang aking pag-type. Isa kasi akong manunulat, nangangarap na maging manunulat. Sinabi sa akin ng kaibigan kong si Joanna na kailangan ko magsulat kung nais kong maging manunulat. Tama nga naman siya. Lagi kong pinagmamalaki na balang araw ay magiging manunulat ako ngunit wala pa naman akong pormal na naisusulat maliban sa mga paminsan-minsan kong tula at pag-blog sa internet. Dahil sa punto ni Joanna na iyon, nabagabag ako. Kailangan ko ng magsulat kung nais kong matupad ang pangarap ko at kailangan ko gawin iyon… ngayon.

Ang blankong screen.

STORY: Proscilla's Back!

I named my laptop Proscilla because... well, i'd rather not say but what I can say is that I love my laptop very much. I am very dependent on the internet and computer programs for both work and play so you could just imagine my attachment to Proscilla. Sadly, Proscilla needed to be checked on since the touch pad is no longer functioning well. Blame on my refusal to use a mouse (I feel more comfortable editing in Photoshop using the touchpad than a mouse, for anyr program for that matter) which caused the left click of the touch pad to finally fail.

After 3 days at Acer, i finally got my baby back. However, the repair costs too much (P6,500) and it would take 3 days up to 2 months to get it done. I don't know which made me refuse to have my baby repaired more - the price or the duration.




So now i have to learn how to use a mouse, whether I like it or not. But we'll get through this right, Proscilla? :)

STORY: Milo Mocha?

During Sunday mass, Jose & I were about half an hour early. We usually go to St. Alphonsus in Magallanes where there is a gas station nearby. At the gas station's convenience store, I spotted a Milo in can and it was only until I held it up that Jose noticed it was mocha flavored. I tried and it was goooood! It was mocha but still very chocolatey perfect for non-coffee drinkers like me. It went well with the sweetness of the donut. ;) I now have a new go to drink during those days when you want something sweet but not too much (then again, maybe that's just me). :D

STORY: Unmask me, again!

Since the initial try was a flop, I had to redo my mask. Jose was nice enough to make the mask for me (and was even nicer when he agreed to have his mask made, too!) We had fun making the masks together - the ipod songs, the jokes and the white board notes (all which made us want to laugh which we SHOULD NOT be doing! Unless we wanted a deformed mask, then laughing would be fine)

STORY: Make some Noise!

I was able to join the weekly Noise Barrage of my school last Friday and boy was it truly noisy!

The event started when Ms. Heidi Mendoza had a talk in school about the whistleblowing situation. I'm not really a fan of hardcore news so I just know the basics of the story. However, I won't burden you by reading my (most likely) inaccurate version of the story. If you want to know about the case, just search her name on Google. ;)

The noise barrage is the school's way fo supporting the truth tellers in the government and not only Ms. Heidi Mendoza. The effort did attract some attention (it even got into the newspaper!) but I think this is pretty short term. We did get people't attention (who wouldn't take a second glance? Whistles were blowing along the entire street and the vehicles that passed by were honking their horns!) but we don't necessarily hold it. I believe in time, the campaign of the school will find more long terms ways of supporting these truth tellers.

In the mean time, prepare your ears for this video I took of last Friday's activity.

STORY: Unmask me!

For my Art Appreciation class, we were made to make plaster molds of our very own faces! As usual, my partner for all seasons (coined by Pya) is Pya. I made her mask and she made mine. Unfortunately, the materials I bought were the "manual" ones. How do I put this? You see, to make the mask one needs plaster of paris and some gauze. So I bought both of that. My classmates on the other hand bought plaster gauze which simply is gauze with plaster already stuck into it. Because of our materials, Pya and I were pretty messier than the others (not to mention more tedious).

Pya got her mask done fine but due to some mishaps (we mixed the whole pack of plaster into a basin thinking that if we kept adding water, it wouldn't harden. the plaster eventually became rock hard when it was my turn to have my mask made) my mask turned out soggy and lumpy. The mixture of the plaster and water wasn't as good as the mixture we did for Pya's.



I remade my mask with my partner forever this time. Check it out here.

THEORY: Its not the end... yet. #3

The finale.

3. Summer Vacation + On the Job Training

Summer is fast approaching but by the looks of my schedule and list of to do's, I won't be lying around or hitting the beach as much as I wish. Summer vacations is coming to an end for me. This summer will be filled with either Thesis meetings or OJT schedules that it won't feel like the usual summer of yesteryears.

I realized that this would be the last summer vacation of my entire life! (Unless I work at a school) After college, I won't have 2-3 months off to enjoy the summer anymore. When I start working, there's no more waiting for March to escape the stress and being a couch potato 'til early June. I can feel the youth in me creep out as maturity creeps in... and no, I'm not talking about wrinkles (then again, it does fit the metaphor).

As much as I always complain about school never being over, the thought of actually bidding projects, classrooms and groupmates goodbye makes me think twice. I just try think of all the new experiences being a full adult (because as of now, I'm only half adult!) has to offer and the cash that comes with it (evil laugh and sinister look with matching fingers tapping agaist each other).

Just in case you couldn't get my description. ;)


Read Part 1 & Part 2.

I want to say its not the end but I'd be lying.
Oh, goodbyes are truly bittersweet!

THEORY: Its not the end... yet. #2

And the list continues...

2. CandyMag.com Correspondent

So far, this has been the best experience of my life. I have been to places, have met people, and have been invited to events in the past few months more than I have in my entire life! The experience was a blast and its sad that its ending. The job is so me. I love writing and shooting and although i have been doing such way before Candy, its only now I got to do so with things I actually enjoy. I am a creative and light writer. I do not fancy news and sports and the like. I like lifestyle, entertainment and opinions. Candy was able to give me all that and more! I even get paid (starting last December although I am yet to hold the check. Haha!)

We signed the contract in September so I thought it would end the same month or somewhere pretty close to that. But just recently the ad for auditions for the next batch of Correspondents came out and I knew what I thought was wrong. I wish we could still be correspondents until the new batch sign their contracts, too (which for my batch was 2-3 months after the audition) but if it would end sooner then truly all good things must come to an end.

Hopefully, my writing journey doesn't end here. I'm hoping another magazine has an opening, hmmm....

My first event - The Glee Season 2 Premiere. The best to date! ;)

Freeway's Ramon Valera Collection Launch

Candy Fair '10

Rebonding at Azta Urban Salon @ Eastwood

Interview with Andi Eigenmann

Interview with Gloc 9 @ his album launch

Interview with Tanya Markova

Interview with Jaq Dionisio of Kiss Jane

Plus i got to take these photos for my classmates who are fans!

Interview with Elmo Magalona 



and a lot more!
(Did I mention I get a lot of free stuff? Yeah, I do)

Check my stuff out here.

Who would want this to end, eh? Well it is. :/
Well its time for a new batch to enjoy the perks of being a correspondent just hope I could still live the dream after this.

Read Part 3 here.

THEORY: Its not the end... yet. #1

Its March already and I can feel not only the end of the school year but also the end of a lot of things.

1. Student Council

My term as 3rd Year Batch Representative is almost over. Its so near that my replacement has already been named!

When I first got the position I never thought I would feel like this when it came to an end. As much as I felt stressed over the load that the position has brought me, is as much the joy I felt over the accomplishments and opportunities that came my way. However, I decided not to continue my Student Council journey next year (despite many pushing from the people around me) so I can find my real calling (as much as I enjoyed being part of the SC, I feel there is a position where I am more fit to be in). I believe another day spent on something that does not get you nearer to your dream is a waste (I think this is a quote from somewhere).

The days of signing (in my case, stamping) convocation cards and texting group messages may be over, but my service to the school is not (I am the newly elected Environment Society President!) And as I close this chapter of Student Leadership, another one opens and I hope I could contribute more if not just as much as I already have.

The ACHIEVEMENT board

The Bulletin Board

Stamping Convo Cards

My trusty stamp

Read Part 2 here.

STORY: Late posts

I'm telling you, I have a bunch of posts waiting to be published but until that happens, check out this photo. Amuse yourselves while I try to juggle school, home, boyfriend, extra curriculars and everything in between at the moment. See you (I really hope its sooner rather than later!)