STORY: My First Tagalog Short Story 8

        
Kahapon, Sabado nararamdaman ko na ang kaba. Dalawang araw na lang at contest na ngunit wala pa rin akong kwento. Sinabi ko sa sarili ko gigising ako ng maaga para marami akong oras upang mag-isip ngunit, katulad ng aking hinala, nagising ako ng tanghali na. Isang linggo ng pagpasok ng alas-syete ng umaga ang nakalipas, masisi mo ba naman ako? Lalo ako nataranta dahil kaunti na lamang ang oras para maisulat ko ang aking maikling kwento. Nag-internet ako sandal at baka may makita akong inspirasyon doon. Napadpad lang ako sa facebook at naki-usisa sa buhay buhay ng aking mga kaklase at kaibigan.



From Google
 Mayroon akong nakitang nakipaghiwalay na sa kanyang nobyo dahil mula sa “in a relationship,” ay “single” na ang kanyang status ngayon. Mayroon naming kabaligtaran dahil mula sa “single” ay “in a relationship” na ang kanyang status. Marami din naman akong nabasang quote hango sa kung sinu-sinong mga sikat na tao na ginagawang status ng mga kaklase kong wala mai-status na iba sa mga panahong iyon. Napatingin naman ako sa pictures ng kaklase ko sa Tagaytay kasama ang kanyang mga barkada. Natatawa ako habang iniisa-isa ko ang mga kuha hindi dahil mayroong nakakatawa sa litrato sa halip ay dahil ang pinarating niya sa aming propesor ay absent daw siya kahapon gawa ng sakit niya. Napakasaya naman ng sakit niya. Nakita ko naman ang litrato ng kaklase ko noong high school na mukha ng anime character. Bukod sa nagpakulay ng buhok ng nakakabulag na blonde na may kaunting brown at red sa may anit, ay nagsusuot pa ito ng salamin na abot hanggang bibig ang frame sa laki. Idagdag mo pa ang pagsuot niya ng necktie ang mini skirts with matching knee-high socks. Ang laki na ng pinagkaiba niya sa dating tahimik at mahiyaing si Riza. Mabuti nga at naalala ko pa ang pangalan niya dahil noong kaklase ko pa siya, hindi namin namamalayan na nawawala na pala siya sa silid. Napansin kong madami na pala ako napuntahang iba’t ibang profile kaya piñata ko na ang laptop ko. Laking gulat ko ng nakita ko ang orasan at makitang ala-sais na pala ng gabi! Tinulungan ko na ang nanay ko maghanda para sa hapunan. Natapos ang hapunan at paghugas ng pinggan ng alas-otso na ng gabi. Tinulungan ko pa ang aking kapatid sa kanyang proyekto sa Science na natapos na ng alas-nuebe y medya ng gabi. Sa mAdaling salita, natapos ang araw na blanko nanaman ako.

No comments: